Napanatili ang lakas ng Bagyong “Tisoy” habang binabagtas ang Mindoro Strait.
Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 8:00 ng hapon, huling namataan ang bagyo sa 145 kilometers North ng Coron, Palawan bandang 7:00 ng gabi.
Taglay nito ang lakas na hanging aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 160 kilometers per hour.
Tinatahak pa rin nito ang direksyong pa-Kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signals sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 3:
– Northern Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Looc, Lubang, Mamburao, Paluan) kabilang ang Lubang Island
Signal no. 2:
– Oriental Mindoro
– Batangas
– nalalabing parte ng Occidental Mindoro
– Marinduque
– Cavite
– Laguna
– Rizal
– Bataan
– Metro Manila
– southern Bulacan (Balagtas, Bocaue, Bulacan, Calumpit, Guiguinto, Hagonoy, Malolos City, Marilao, Meycauayan City, Obando, Paombong, Plaridel, Pulilan)
– southern Pampanga (Floridablanca, Lubao, Macabebe, Masantol, Sasmuan)
– southern Zambales (Castillejos, Olongapo City, San Antonio, San Felipe, San Marcelino, San Narciso, Subic)
– Calamian Islands (Coron, Busuanga, Culion, Linapacan)
– western portion ng Quezon (Dolores, Tiaong, Candelaria, Sariaya, San Antonio
Signal no. 1:
– northern portion ng Camarines Sur ( Cabugao, Libmanan, Pamplona, Pasacao, Sipocot, Lupi, Ragay, Del Gallego)
– southern Nueva Ecija (Cabanatuan City, Cabiao, Gabaldon, Gapan City, General Tinio, Jaen, Laur, Palayan City, Peñaranda, San Antonio, San Isidro, San Leonardo, Santa Rosa, Aliaga, Licab, Zaragoza)
– southern Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis, Dingalan)
– northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, Dumaran)
– Cuyo Islands (Cuyo, Magsaysay, Agutaya)
– Camarines Norte
– Tarlac
– nalalabing parte ng Quezon kabilang ang Pollilo Islands
– Romblon
– nalalabing bahagi ng Camarines Sur
– nalalabing bahagi ng Zambales
– nalalabing bahagi ng Pampanga
– nalalabing bahagi ng Bulacan
– Northen Aklan (Malay, Buruanga, Nabas, Ibajay)
– northern Antique (Caluya, Libertad, Pandan)
Mula Martes ng gabi hanggang Miyerkules ng umaga, mararanasan ang frequent to continuous heavy (isolated intense rains) Quezon at Rizal.
Occasional to frequent heavy rains naman ang iiral sa Mindoro Provinces, nalalabing parte ng CALABARZON, Marinduque at Romblon.
Samantala, intermittent heavy rains naman ang mararanasan sa Calamian Islands, Metro Manila, Central Luzon, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR).
Ayon pa sa PAGASA, mapanganib pa ring pumalaot ang mga maliliit na sasakyang-pandagat sa seaboards ng mga lugar na nasa ilalim ng TCWS, seaboards ng Northern Luzon at Visayas, western seaboard ng Palawan, at northern at eastern seaboards ng Mindanao