Napatay na rebelde sa Butuan City, Grade 6 pupil lang – AFP
Nadiskubreng menor de edad ang miyembro ng New People’s Army (NPA) na napatay sa engkuwentro sa Butuan City noong nakaraang Lunes, December 2.
Ang 16-anyos na biktima ay kinilala ng kanyang nakakatandang kapatid at ito ay residente ng Barangay Malinao sa Gingoog City.
Nabatid na Grade 6 pupil ang batang rebelde sa Sitio Sioan Elementary School at noong nakaraang Pebrero ay hindi na ito umuwi.
Kinondena naman ni Eastmincom Commander Lt. Gen. Felimon Santos Jr. ang patuloy na paggamit ng NPA ng mga bata at patunay na patuloy na nilalabag ng mga rebelde ang karapatan ng mga bata.
Sa nangyaring engkuwentro sa Barangay Manila de Bugabos, narekober din ang dalawang Ak-47 rifles, dalawang M16 rifles at limang backpacks na naglalaman ng mga subersibong dokumento at personal na gamit ng napatay na kabataan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.