Accounting sa SEAG expenses, dapat gawin – SP Sotto

Sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi siya magiging balakid kung iimbestigahan sa Senado ang ginawang paggasta sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Aniya, dapat ay magkaroon ng accounting at ito ay maaring gawin ng Philippine Sports Commission (PSC), Commission on Audit (COA), maging ang Committee on Finance ng Senado o Kamara.

Maaring gawin ito, ayon sa namumuno sa Senado, bago ang pagtalakay sa 2021 national budget para malaman kung wasto ang paggamit sa pondo.

Dagdag pa ni Sotto, sa ipinamalas na opening ceremony, naniniwala siya na naging magastos ang paghahanda.

Samantala, masaya ang senador sa ipinapakita ng mga atletang Filipino at aniya, patunay ito na maayos ang naging paghahanda.

Read more...