Olympic official, sumaludo sa pagiging humble ni Pangulong Duterte, Speaker Cayetano

By Jan Escosio December 03, 2019 - 10:03 PM

2019 SEA Games

Pinabilid nina Pangulong Rodrigo Duterte at House Speaker Alan Peter Cayetano si Olympic Council of Asia (OCA) Vice President Wei Jizhong sa pagpapakumbaba ng mga ito sa mga nangyaring aberya sa paghahanda sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay Wei, ito ang unang pagkakataon na humingi ng paumanhin ang isang pangulo ng bansa at aniya, patunay lang ito na hangad ng PHISGOC na maging maayos ang lahat.

Kasabay pa nito, pinuri din ng opisyal ang opening ceremony noong Sabado, November 30, maging ang pagpayag sa mga atleta na makibahagi at ipakita ang malaking karangalan na maging kinatawan ng kani-kanilang bansa.

Sinabi ni Wei, hindi lang ang medalyang ginto ang target sa mga laro kundi ang tunay na pagkakaibigan ng iba’t ibang lahi sa pamamagitan ng sports.

Naniniwala ito na handa at kayang-kaya ng Pilipinas na mag-host ng mas malaking international multi-sport events.

TAGS: 30th SEA Games, Alan Peter Cayetano, OCA, PHISGOC, Rodrigo Duterte, Wei Jizhong, 30th SEA Games, Alan Peter Cayetano, OCA, PHISGOC, Rodrigo Duterte, Wei Jizhong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.