Pangulong Duterte, sasampahan ng kasong economic sabotage ang Maynilad, Manila Water

By Chona Yu December 03, 2019 - 08:34 PM

Sasampahan ng kasong economic sabotage ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga may-ari ng Maynilad at Manila Water.

Ito ay dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Ayon sa pangulo, kanya ring ipaaaresto ang mga may-ari ng mga water concessionaire.

Ayon sa pangulo, ginawa kasing gatasan ng mga water concessionaire ang pag-distribute ng tubig.

Kasabay nito, nagbanta si Pangulong Duterte sa mga Ayala na kaniyang sasampalin ang mga Ayala.

Pinahahanap pa ni Pangulong Duterte sa Presidential Security Group (PSG) ang mga Ayala dahil hindi raw nagbabayad ng corporate income tax.

Matagal na aniyang nangongolekta ang mga Ayala sa mga customer para sa water treatment subalit wala naman aniya at diretso lamang na itinatapon sa Manila Bay.

Ipakikita ni Pangulong Duterte sa publiko kung paano manampal ng isang milyonayro.

Ayon sa pangulo, kanyang ipatitikim sa mga mayayaman ang buhay ng mga preso.

Dagdag ng pangulo, unahan na lamang siya ng mga mayamang negosyante na patayin dahil kung hindi sila ang kanyang papatayin.

TAGS: economic sabotage, manila water, maynilad, Rodrigo Duterte, economic sabotage, manila water, maynilad, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.