Typhoon #TisoyPH, patuloy na humihina habang binabagtas ang Occidental Mindoro
Patuloy na humihina ang Bagyong “Tisoy” habang binabagtas ang Occidental Mindoro.
Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang bagyo sa 110 kilometers Northwest ng San Jose, Occidental Mindoro o 135 kilometers North ng Coron, Palawan bandang 4:00 ng hapon.
Taglay na nito ang lakas na hanging aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 200 kilometers per hour.
Tinatahak pa rin nito ang direksyong pa-Kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signals sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 3:
– Oriental Mindoro
– Occidental Mindoro including Lubang Island
– Batangas
Signal no. 2:
– Romblon
– Camarines Norte
– Metro Manila
– Bulacan
– Bataan
– Tarlac
– Pampanga
– Rizal
– Quezon including Polillo Islands
– Zambales
– Marinduque
– Cavite
– Laguna
– northern portion ng Camarines Sur ( Cabugao, Libmanan, Pamplona, Pasacao, Sipocot, Lupi, Ragay, Del Gallego)
– southern Nueva Ecija (Cabanatuan City, Cabiao, Gabaldon, Gapan City, General Tinio, Jaen, Laur, Palayan City, Peñaranda, San Antonio, San Isidro, San Leonardo, Santa Rosa, Aliaga, Licab, Zaragoza)
– southern Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis, Dingalan)
– Calamian Islands (Coron, Busuanga, Culion, Linapacan)
Signal no. 1:
– Southern portion ng Quirino (Nagtipunan)
– nalalabing bahagi ng Aurora
– northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, Dumaran)
– nalalabing bahagi ng Camarines Sur
– Cuyo Islands (Cuyo, Magsaysay, Agutaya)
– Pangasinan
– southern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Aritao, Dupax Del Norte, Dupax Del Sur, Kasibu, Santa Fe)
– Burias Island
– nalalabing bahagi ng Nueva Ecija
– Northen Aklan (Malay, Buruanga, Nabas, Ibajay)
– northern Antique (Caluya, Libertad, Pandan)
Mula Martes ng hapon hanggang Miyerkules ng umaga, mararanasan ang frequent to continuous heavy (isolated intense rains) sa Quezon at Rizal.
Occasional to frequent heavy rains naman ang iiral sa Mindoro Provinces, Metro Manila, Central Luzon, nalalabing bahagi ng CALABARZON, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Marinduque at Romblon.
Samantala, intermittent heavy rains ang mararamdaman sa Calamian Islands.
Ayon pa sa PAGASA, mapanganib pa ring pumalaot ang mga maliliit na sasakyang-pandagat sa seaboards ng mga lugar na nasa ilalim ng TCWS, seaboards ng Northern Luzon at Visayas, western seaboard ng Palawan, at northern at eastern seaboards ng Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.