Bilang ng mga inilikas sa Maynila, umabot sa higit 1,600

Nadagdagan pa ang bilang ng mga inilikas na residente sa Lungsod ng Maynila, araw ng Martes.

Ito ay bunsod pa rin ng nararanasang pag-ulan dulot ng Bagyong “Tisoy.”

Sa tala ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) hanggang 3:09 ng hapon, nasa kabuuang 1,672 na indibidwal ang inilikas sa lungsod.

Tatlong evacuation centers ang itinalaga ng pamahalaang lokal ng Maynila para sa mga apektadong residente.

Sa Baseco Evacuation Center, nasa 45 pamilya o 147 na indibidwal ang nananatili.

Nasa 285 na pamilya o 1,425 na katao ang pansamantalang nanunuluyan sa Delpan Evacuation Center.

Patuloy naman ang pamimigay ng mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare ng mga blanket at sleeping mats sa nasabing evacuation center.

Samantala, nasa 40 pamilya o mahigit 100 indibidwal ang nananatili sa covered court sa Barangay 150 o Happy Land.

Read more...