Ayon kay Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, ito ay bilang pagpupugay sa kanilang pagsusumikap sa tungkulin sa kani-kanilang mga komunidad habang nakabinbin pa ang panukalang batas na magbibigay ng dagdag na kompensasyon sa kanila.
“Sinuggest ko po ‘yan kay Pangulong Duterte para mapasaya ang ating mga baranggay officials na walang sawang nagseserbisyo sa kanilang mga komunidad,” pahayag ni Go.
Dagdag pa nito “ Gumagawa po kami ng paraan ni Pangulong Duterte na mabigyan man lang kayo ng Christmas incentives o anuman po na pwede ninyong magamit ngayong pasko para po sa mga elected barangay officials”
Umaasa ang senador na ang mga panukala na itinutulak niya para sa kapakanan ng mga Barangay officials ay kaagad na maisakatuparan nang gayun ay mabigyan sila ng insentibo para sa wala nilang kapaguran na serbisyo bilang mga taga-pagpatupad ng frontline services sa komunidad habang hinihintay ang pagpasa sa Senate Bill (SB) No. 391 o ang “Barangay Services Compensation Act” na patuloy na pinagde-debatihan ng Senate Committee on Local Government.
Una nang orihinal na inihain ni Go ang “Magna Carta for Barangays Act of 2019” nitong nakaraang buwan ng Hulyo ng 2019.
Samantala, ang SB 391 ay ang pinagsamang berisyon ng iba pang kaparehas na mga panukala sa senado na naglalayung na mapagkalooban ang Barangay officials ng dagdag na kompensasyon at benepisyo na kahalintulad sa ibinibigay sa mga kawani ng gobyerno para isulong ang kanilang kapakanan kapalit ng serbisyo nila sa mga komunidad.
Bilang basic unit of governance sa bansa, ay palaging bukambibig ng senador ang pagsusulong nang kapakanan ng Barangay Officials kapalit nang kritikal nilang gampanin sa mga respektibo nilang nasasakupan.
“The barangay serves as the primary planning and implementing unit of government policies, plans, programs, projects, and activities in our communities,” Sabi ni Go sa Senate committee hearing.
“It is through our barangays that government programs and services reach our people. It is through our barangays that our policies, plans, and projects aimed at improving our country materialize. Most importantly, it is in our barangays that we hone dutiful citizens who will become the future builders of our nation,” dagdag pa nito.
Napapanahon na ayon sa mambabatas na kilalanin ang pagsusumikap at didekasyon sa trabaho ng mga Barangay Officials.
“Our barangays are not on autopilot. They are manned by these hard-working and dedicated individuals who, despite their seemingly thankless job, are committed to ensuring that our barangays serve the purpose they are intended for,” pagtatapos pa nito.