Batas para pondohan ang national performing arts companies, nilagdaan na ni Pangulong Duterte

By Chona Yu December 03, 2019 - 03:33 PM

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na magbibigay ng pondo para sa national performing arts companies.

Sa ilalim ng Republic Act 11392, makatatanggap ng tig-lima hanggang sampung milyong pisong pondo ang National Ballet/Contemporary Dance Company, National Theater Company, National Orchestra/National Choral Company at National Indigenous Performing Ensemble sa loob ng limang taon.

Nakasaad sa batas na dapat na ipagpatuloy ng NPAC ang training at pagbibigay edukasyon para sa mga performing artists at iba pa.

Inaatasan din ang NPAC na magsagawa ng pananaliksik kaugnay sa performing arts para maitaguyod ang cultural identity.

TAGS: national performing arts companies, NPAC, performing arts, Republic Act 11392, Rodrigo Duterte, national performing arts companies, NPAC, performing arts, Republic Act 11392, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.