Typhoon #TisoyPH, nag-landfall na sa Oriental Mindoro

DOST PAGASA photo

Tumama na ang Typhoon “Tisoy” sa kalupaan sa Naujan, Oriental Mindoro bandang 12:30, Martes ng tanghali.

Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Baco, Oriental Mindoro bandang 1:00 ng hapon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 195 kilometers per hour.

Tinatahak ng bagyo ang direksyong pa-Kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour.

Dahil dito, nakataas pa rin sa mga sumusunod na lugar ang Tropical Cyclone Wind Signals:

Signal no. 3:
– Southern portion ng Quezon (Sampaloc, Lucban, Tayabas, Pagbilao, Lucena, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio)
– Marinduque
– Oriental Mindoro
– Occidental Mindoro including Lubang Island
– Batangas
– Cavite
– Laguna

Signal no. 2:
– Burias Island
– Romblon
– Northern portion ng Camarines Sur ( Cabugao, Libmanan, Pamplona, Pasacao, Sipocot, Lupi, Ragay, Del Gallego)
– Camarines Norte
– Metro Manila
– Bulacan
– Bataan
– Tarlac
– Pampanga
– Nueva Ecija
– Southern Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis, Dingalan)
– Rizal
– nalalabing bahagi ng Quezon including Polillo Islands
– Calamian Islands (Coron, Busuanga, Culion, Linapacan)
– Zambales
– Pangasinan
– Northen Aklan (Malay, Buruanga, Nabas, Ibajay)
– Northern Antique (Caluya, Libertad, Pandan)

Signal no. 1:
– Southern Isabela (Palanan, Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Luna, Aurora, Cabatuan, San Mateo, Cauayan City, Alicia, Angadanan, Ramon, San Isidro, Echague, Cordon, Santiago City, Jones and San Agustin)
– Benguet
– Nueva Vizcaya
– La Union
– Quirino
– nalalabing bahagi ng Aurora
– northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, Dumaran)
– nalalabing bahagi ng Camarines Sur
– Cuyo Islands (Cuyo, Magsaysay, Agutaya)
– Masbate including Ticao Island
– Albay
– Sorsogon
– Catanduanes
– Western portion ng Northern Samar (Capal, San Antonio, San Vicente, Lavezares, Allen, Biri, Rosario, Victoria, San Jose, San Isidro, Bobon, Catarman, Lope de Vega)
– northwestern portion ng Samar (Calbayog, Tagapul-am, Almagro, Sto. Niño)
– Capiz
– Iloilo
– nalalabing bahagi ng Aklan
– nalalabing bahagi ng Antique

Panaka-naka hanggang tuluy-tuloy na heavy to intense rains ang mararanasan sa Romblon, Marinduque, Mindoro Provinces, at CALABARZON.

Occasional to frequent heavy rains naman ang mararamdaman sa Metro Manila, Bicol Region at Central Luzon habang intermittent heavy rains sa bahagi ng Aklan, Antique, Capiz, at northern portions ng Negros Provinces.

Ayon pa sa PAGASA, mapanganib pumalaot ang mga sasakyang-pandagat sa seaboards ng mga lugar na nasa ilalim ng TCWS, seaboards ng Northern Luzon, western seaboard ng Palawan, seaboards ng Visayas, at northern at eastern seaboards ng Mindanao.

Read more...