Pag-aresto kay Menorca, ‘iregular’- De Lima

By Jay Dones January 22, 2016 - 04:40 AM

 

Kuha ni Jinky Menorca/Raffy lerma

Kakaiba o ‘irregular’ ang naging gawi ng mga pulis na umaresto sa natiwalag na tauhan ng Iglesia ni Cristo na si Lowell Menorca II.

Ito ang paniniwala ni dating Justice Secretary Leila de Lima sa proseso na ginawa ng mga pulis-Maynila nang dakpin si Menorca sa kasong libel bago pa man ito makahap sa Court of Appeals kahapon.

Ayon sa dating Kalihim, isang malaking kuwestyon kung bakit naka-sibilyan ang mga dumakip kay Menorca na makikita sa video na kuha ng misis nito.

Sa normal na proseso aniya, kinakailangang nakauniporme ang mga arresting officer upang agad na makilala bilang mga alagad ng batas.

Bukod dito, tanging libelo lamang aniya ang kasong kinakaharap ni Menorca at hindi inaakusahang sangkot sa isang heinous crime tulad ng kidnapping o serious illegal detention.

Panawagan ni De Lima sa PNP, dapat masusing imbestigahan kung may iba pang personalidad na nasa likod ng utos na arestuhin si Menorca na itinaon pa sa panahong nakatakda itong humarap sa korte.

Matatandaang una nang umani ng batikos mula sa hanay ng INC si De Lima nang hawakan ng DOJ ang kasong isinampa ng isa pang natiwalag na ministro ng Iglesia na si Isaias Samson Jr. noong August ng nakaraang taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.