Higit 100 pamilya, inilikas sa isang barangay sa Maynila

By Angellic Jordan December 03, 2019 - 02:21 PM

Inilikas ang mahigit 100 pamilya sa isang barangay sa Lungsod ng Maynila.

Ito ay dahil pa rin sa tuluy-tuloy na nararanasang pag-ulan bunsod ng Typhoon “Tisoy.”

Sa datos ng Manila Public Information Office (PIO) hanggang 1:20 ng hapon, nasa kabuuang 145 pamilya mula sa Barangay Isla Puting Bato ang inilikas.

Pansamantalang namamalagi ang mga apektadong pamilya sa Delpan Evacuation Center.

Namahagi naman ang mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare ng ulam na tinolang manok para sa evacuees.

Umaasiste rin sa evacuees ang ilang pulis-Maynila at Department of Public Services sa pamimigay ng mga pagkain.

TAGS: #TisoyPH, Bagyong "Tisoy", Barangay Isla Puting Bato, Delpan Evacuation Center, Typhoon "Tisoy", #TisoyPH, Bagyong "Tisoy", Barangay Isla Puting Bato, Delpan Evacuation Center, Typhoon "Tisoy"

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.