Patuloy na nakararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.
Sa abiso ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, ito ay bunsod pa rin ng Typhoon “Tisoy.”
Nakataas ang red rainfall warning sa Laguna at Batangas.
Nakataas naman ang orange rainfall warning sa Cavite at Rizal habang yellow rainfall warning naman sa Metro Manila, Quezon at Bataan.
Samantala, sinabi ng PAGASA na iiral ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa bahagi ng Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Pampanga at Bulacan sa susunod na isa hanggang tatlong oras.
Pinayuhan ang mga residente at disaster risk reduction and management offices na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.
MOST READ
LATEST STORIES