US Embassy sa Maynila nagsuspinde na rin ng operasyon

By Dona Dominguez-Cargullo December 03, 2019 - 01:04 PM SHARE(S):

Suspendido na rin ang operasyon ng embahada ng Amerika sa Maynila ngayong araw, Dec. 3.

Sa abiso ng US Embassy, sarado na ito mula alas 12:00 ng tanghali dahil sa Tyhphoon Tisoy.

Muling maglalabas ng abiso ang embahada kung makababalik na sa normal na operasyon bukas Dec. 4.

Una nang nag-tweet si US Embassador to the Philippines Sung Kim at sinabing nakaantabay ang embahada sa mga update sa Bagyong Tisoy.

Sinabi ni rin ng opisyal na kaisa sila sa pagdarasal sa mga nasalanta ng bagyo.

TAGS: #TisoyPH, Dec. 3., manila, pagasa, PH news, Philippine breaking news, rainfall advisory\], Tagalog breaking news, tagalog news website, US Embassy, weather, Work Supension, #TisoyPH, Dec. 3., manila, pagasa, PH news, Philippine breaking news, rainfall advisory\], Tagalog breaking news, tagalog news website, US Embassy, weather, Work Supension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.