Mga nakanselang passport appointment ngayong araw dahil sa TY Tisoy, maaring magproseso hanggang Jan. 6, 2020

By Dona Dominguez-Cargullo December 03, 2019 - 12:50 PM SHARE(S):

Ia-accommodate sa mga susunod na araw ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga aplikante para sa pasaporte na hindi nakapagproseso ngayong araw.

Sa abiso ng DFA, dahil sa Typhoon Tisoy, hanggang alas 12:00 lamang ang operasyon ng kanilang tanggapan sa ASEANA Business Park at sa lahat ng consular offices sa Metro Manila base na rin sa deklarasyon ng Malakanyang na suspensyon sa trabaho ng gobyerno.

Sinabi ng DFA na nakapagproseso pa rin naman ang mga aplikante na na nasa consular office na bago ang anunsyo ng Malakanyang.

Para naman sa mga hindi nakapagproseso, maari silang magtungo sa DFA hanggang sa January 6, 2020.

Kailangan lamang dalhin ang dokumento na magpapatunay na may kumpirmadong appointment sila.

TAGS: #TisoyPH, consular offices, DFA, pagasa, passport appointment, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, rainfall advisory\], Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, #TisoyPH, consular offices, DFA, pagasa, passport appointment, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, rainfall advisory\], Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.