PROBLEMA LANG ‘YAN ni Brenda Arcangel

July 01, 2015 - 12:09 PM

brenda“To keep the body in good health is a duty… otherwise we shall not be able to keep our mind strong and clear” – Buddha

Dahil iba na ang panahon kung saan araw-araw sinasagupa natin ang kung ano-anong pollutants at mga disease causing elements at kung ano-ano pa. Try niyong mag-commute sa kahabaan ng EDSA o kung saan man sa Metro Manila.

Bukod dyan, aminin man natin o hindi — marami tayong kinakain na sagana sa keminal na hindi kailangan ng katawan at maaaring maka-apekto sa ating kalusugan.

Maaaring hindi natin maramdaman ngayon ang masamang epekto ng ating mga kinakain pero kalaunan, makikita at mararamdaman natin ito. Kaya naman usong-uso ngayon ang detox o detoxification.

As define by Merriam-Webster dictionary, DETOXIFY means to remove a poisonous or harmful substance from (something).

Isa sa pinaka-popular o patok at pinaka-praktikal na pang-detox ang lemon water. Kahit medyo kamahalan ang lemon, keri na rin. Isipin na lang ang benepisyo nito.

Ang lemon ay mayaman sa vitamins at minerals gaya ng vitamin c at mga anti-oxidants na nakakatulong para mapalakas ang ating resistensya.

Bakit nga ba nakakabuti ang lemon water sa kalusugan ng tao ?

1. Makes your belly happy – kung hindi kayo matunawan at kayo yung tao na effort kung effort ang pagpunta sa cr, pinaka-maganda ang lemon water. Pag-gising pa lamang ng umaga, uminom na ng isang basong tubig na warm o room temperature na lemon water on empty stomach. Kung gagawin araw-araw, makakatulong ito sa mga problema sa tiyan. Nakakatulong din ito sa heartburn at kabag.

2. Aids weight loss – kung nagbabawas daw kayo ng timbang, pinaka-epek ang warm lemon water. Dahil mataas sa pectin fiber, mababawasan ang inyong “craving” o paghahanap ng pagkain dahil may feeling na palagi kayong busog. Kung hahaluan ng honey mas tumataas ang alkaline sa inyong tiyan para mapabilis ang pagbaba ng inyong timbang.

3. Boosts immune system – dahil mayaman sa vitamin c, nagpapalakas ito sa ating katawan para labanan ang ibat-ibang sakit gaya ng colds and flu. Nakatutulong din ito para mapabilis ang pag-absorb natin sa iron na isa sa mahalagang nutrient para sa immune system. Ang lemon ay mayroon ding saponins na isang anti-microbial properties o pangontra sa anumang infections.

4. Balance ph levels – pinaka-best daw sa pag-alkalize ng foods ang lemon dahil may taglay itong “citric and ascorbic acid” para ma-maintain ang kinakailanang PH levels ng katawan. Ang PH level o ibig sabihin ay “potential of hydrogen” para ma-balanse ang acid at alkaline sa ating katawan para makaiwas sa anumang sakit.
Energy booster – ang lemon water ay isang natural energizing agent dahil sa taglay nitong vitamin C, B, Phosphorous, Proteins at Carbohydrates. Dahil sa negative-charged ions, nagbibigay ito ng instant energy at nakapag-papaganda din ng mood ng tao.

Pero isang pa-alala ng mga eksperto, tiyakin lamang daw na fresh ang gagamiting lemon at hindi yung mga bottled lemon juice na may mga ingredients na maaaring makasama sa katawan. Baka kasi imbes makabuti e lalong makasira sa pampa-beauty mo.

Tandaan na anuman ang problema, kung positibo itong haharapin ay makakayanan natin yan. Keri Lang!

Pakinggan ang Inquirer Breakfast Club (mon-fri 5:00-6:00am), Tinig ng mga Eksperto (Sat. 8:00-9:00am) & Warrior Angel (Sat&Sun 11:00-12:00nn)

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.