Pag-iral ng number coding suspendido na – MMDA

Suspendido na ang pag-iral ng number coding ngayong araw ng Martes, Dec. 3.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), epektibo alas 12:00 ng tanghali ang suspensyon.

Ibig sabihin, maari nang makabiyahe ang mga sasakyang may plakang nagtatabos sa 3 at 4.

Ginawa ng MMDA ang anunsyo matapos suspendihin na ng Malakanyang ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, mula alas 12:00 ng tanghali dahil sa Typhoon Tisoy.

Read more...