Pasok sa trabaho ng mga taga-PCOO sinuspinde dahil sa bagyong #TisoyPH

By Dona Dominguez-Cargullo December 03, 2019 - 11:07 AM

Sinuspinde na ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang trabaho sa kanyang departamento ngayong araw ng Martes (Dec. 3).

Ayon kay Andanar epektibo ang work suspension alas-10:00 ng umaga.

Ito ay para makauwi na ang kanyang mga empleyado at masigurong ligtas sa hagupit ng bagyong Tisoy.

Ibinatay ni Andanar ang pag-iisyu ng Office Order alinsunod sa itinatakda ng Memorandum Order 004 series of 2018.

Hindi naman saklaw ng nasabing order ang mga tanggapan ng PCOO na may kinalaman sa Public Service Continuity Plan.

TAGS: #TisoyPH, Pagasa, pcoo, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, rainfall advisory\], Tagalog breaking news, tagalog news website, walangpasok, weather, work suspension, #TisoyPH, Pagasa, pcoo, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, rainfall advisory\], Tagalog breaking news, tagalog news website, walangpasok, weather, work suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.