Mga pampasabog na gagamitin sana sa pag-atake sa Maguindanao nakumpiska ng militar

By Dona Dominguez-Cargullo December 03, 2019 - 11:02 AM

Napigilan ng militar ang tangkang pag0-atake sa Central Mindanao matapos makumpiska ang 12 na malalakas na uri ng homemade explosive devices.

Ang mga pampasabog ay nakumpiska sa nagpapatuloy na surgical operations ng mga sundalo laban sa Dawla Islamiya terrorist group.

Ayon kay Major Gen. Diosdado Carreon, commander ng 6th Infantry Division at pinuno ng Joint Task Force Central (JTFC), kabilang sa mga nakumpiska ang mga IED, high-powered firearms at bomb-making equipment.

Nakuha ito sa iba’t ibang kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha.

Pinaniniwalaang gagamitin ito sa pag-atake sa Maguindanao at mga kalapit na lalawigan.

Sa Barangay Pamalian, Shariff Saydona, may nakuhang high powered armalite rifles na may mga bala, improvised bombs na yari sa hand grenade at nakakabit sa live 81 mm mortar at iba pang sangkap sa paggawa ng IED.

Batay sa intelligence report ng militar, ang mga bomba ay gagamitin ng BIFF at ipakakalat sa mga lansangan ng Maguindanao at mga matataong lugar sa Cotabato, Maguindanao at Sultan Kudarat.

TAGS: Cotabato, foiled bombings, IED, maguindanao, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, sultan kudarat, Tagalog breaking news, tagalog news website, Cotabato, foiled bombings, IED, maguindanao, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, sultan kudarat, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.