Pangulong Duterte gabi-gabing nagdarasal para sa bansa

By Chona Yu December 03, 2019 - 10:39 AM SHARE(S):

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na gabi-gabi siyang nagdarasal sa Panginoon para sa bansa.

Ayon sa pangulo, wala na kasi siyang mahihiling para sa sarili kung kaya para sa bayan na lamang ang kanyang pagsusumamo sa Panginoon.

“Yes, for my country, wala na akong hinihingi para sa akin, para sa sarili,” ayon sa pangulo.

Matatandaang umani ng batikos si Pangulong Duterte nang tawaging istupido ang Panginoon.

Pero sa kabila nito, sinabi ng pangulo na relihiyoso siyang tao at nagdarasal pa tin gabi-gabi.

TAGS: PH news, Philippine breaking news, President Rodrigo Duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, PH news, Philippine breaking news, President Rodrigo Duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.