Narito ang mga paalala at payo ng DOE sa publiko:
– Tiyaking fully charged ang mga flashlights at spare batteries
– Iwasan ang gumamit ng kerosene-fueled na lampara lalo na sa gabi dahil maari itong pagmulan ng sunog
– Iwasan ang humawak sa electrical appliances kapag basa ang kamay
– Laging mag-ingat sa paggamitn ng electrical appliances na malapit sa water sources. Huwag na itong gamitin kapag nalubog sa tubig-baha
– Huwag lumapit sa power lines
– Pagkatapos ng pagbaha tiyaking gumagana ng maayos ang fuse bago ito buyksan
– Huwag gamitin ang anomang de-kuryenteng appliances kapag nabasa na ito hangga’t hindi nasusuri ng technician.