Pasok sa mga korte sa NCR suspendido na mula mamayang tanghali

Suspendido na simula alas 12:00 ng tanghali ngayong araw ang pasok sa mga korte sa Metro Manila.

Sa abiso ng Supreme Court – Public Information Office (PIO) mula alas 12:00 ng tanghali pwede nang umuwi ang mga empleyado sa lahat ng korte sa National Capital Region.

Sakop ng suspensyon sa trabaho ang Korte Suprema, Court of Appeals, Court of Tax Appeals at Sandiganbayan gayundin ang lahat ng mababang korte.

Ang suspensyon ay bunsod ng inaasahang pananalasa ng bagyong Tisoy sa Metro Manila.

Ipinaubaya naman ni Chief Justice Diosdado Peralta sa mga Executive Judges ng mga korte sa labas ng Metro Manila ang pag-aanusnyo ng suspensyon sa kanilang mga nasasakupan.

Read more...