Pangulong Duterte motor ang gustong matanggap na regalo ngayong Pasko

By Chona Yu December 03, 2019 - 09:26 AM SHARE(S):

Motorsiklo ang gustong matanggap na regalo ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Pasko.

Ayon sa pangulo, kung may magbibigay man sa kanya ngayong Pasko kung maari ay motorsiklo na lamang sana.

Ayon sa pangulo, titigil lamang siya sa pagmomotorsiklo kung patay na siya.

Kung mawawala rin lang aniya ang kanyang kaligayahan sa buhay gaya ng pagmomotorsiklo ay mas makabubuting mamatay na lamang siya dahil wala ng silbi ang kanyang buhay.

“Pag patay na ako. Totoo. Hindi ako maghihinto. Dahil pag maghihinto ako, mabuti pang mamatay na eh, wala na eh. Kung wala na rin kaligayahan yung buhay mo, wala na rin magawa, mabuti pang mamatay ka,” ayon sa pangulo.

Matatandaan na noong Oktubre lamang, sumemplang ang pangulo habang nagmomotorsiklo sa compound ng Presidential Security Group (PSG) sa MalacaƱang complex.

Nagkaroon ng sugat sa tuhod at siko ang pangulo na nagbunga pa ng muscle spasm sa kanyang likod.

Ayon sa pangulo, wala na siyang hinahangad para sa sarili kundi ang kabutihan na lamang ng bayan.

“I said, wala na actually. Tell you something. Ako hindi ako magdadasal para sarili ko, para sa bayan ko na. So ako, ano lang ibigay. Kung pwede sana, pwede sana motor. Motor” ayon sa pangulo.

Ito aniya ang kanyang dinadasal gabi gabi bago matulog.

TAGS: christmas gift, motorcycle, PH news, Philippine breaking news, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, christmas gift, motorcycle, PH news, Philippine breaking news, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.