Sen. Imee Marcos gustong malaman kung fake news o totoo ang pagdukot sa mga bata
Dahil viral na sa social media at lumikha ng matinding takot sa mga bata ay magulang, gustong malaman ni Senator Imee Marcos kung totoo o fake news lang ang video ng mg dinukot na bata sa Pasay City.
Ayon kay Marcos nakadagdag pa ng takot ang ulat na kinukuha ang laman loob ng mga dinukot na bata.
Usap-usapan ngayon sa social media ang post ng isang Rusty Sablada na video mula sa security camera kaugnay sa pagdukot at sapilitang pagsakay sa isang tao sa isang van sa kanto ng FB Harrison st. at Humilidad St. sa Pasay City.
Naipakita rin sa post ang siyam na larawan ng iba pang mga kabataan, kabilang ang isang babae na umanoy dinukot sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod noong nakaraang buwan.
Giit ni Marcos kung totoo o hindi ang balita dapat aniya kumilos ang awtoridad ukol dito.
Aniya kung hindi magbibigay linaw ang PNP hindi mawawala ang takot ng mga magulang at kabataan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.