Orange rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Quezon

Nakataas ang orange rainfall warning sa lalawigan ng Quezon dahil sa Typhoon Tisoy.

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 8:00 ng umaga, maaring makaranas ng pagbaha o pagguho ng lupa sa Quezon dahil sa tuluy-tuloy na nararanasang pag-ulan.

Samantala, mahina hanggang sa katamtaman na pag-ulan naman at paminsan-minsang malakas na buhos ng ulan ang nararanasan na sa Laguna, Batangas, Cavite, at Rizal.

Aasahan din ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, at Bulacan sa susunod na mga oras.

Pinapayuhan ang publiko na mag-antabay sa mga inilalabas na abiso ng PAGASA.

Read more...