Pasok sa Kamara suspendido na dahil sa Bagyong Tisoy

Suspendido na ang pasok sa Kamara ngayong Martes, Dec. 3 dahil sa Typhoon Tisoy. Sa abiso ni House Secretariat, Secretary General Jose Luis Montales, inaprubahan ni House Speaker Alan peter Cayetano ang suspensyon. Magpapatuloy naman ang operasyon sa engineering department at security bureau ng Mababang Kapulungan. Tuloy din ang signing ceremony na gaganapin sa Malakanyang ngayong araw maliban na lamang kung sususpindehin ito ng palasyo. Itinakda ngayong araw ang ceremonial signing sa Postponement of 2020 barangay and Sangguniang Kabataan Elections Act alas 6:30 ng gabi sa Malakanyang.

Read more...