Pasok sa Kamara suspendido na dahil sa Bagyong Tisoy

By Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon December 03, 2019 - 07:40 AM SHARE(S):
Suspendido na ang pasok sa Kamara ngayong Martes, Dec. 3 dahil sa Typhoon Tisoy.
Sa abiso ni House Secretariat, Secretary General Jose Luis Montales, inaprubahan ni House Speaker Alan peter Cayetano ang suspensyon.
Magpapatuloy naman ang operasyon sa engineering department at security bureau ng Mababang Kapulungan.
Tuloy din ang signing ceremony na gaganapin sa Malakanyang ngayong araw maliban na lamang kung sususpindehin ito ng palasyo.
Itinakda ngayong araw ang ceremonial signing sa Postponement of 2020 barangay and Sangguniang Kabataan Elections Act alas 6:30 ng gabi sa Malakanyang.

TAGS: #TisoyPH, House of Representatives, pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, rainfall advisory\], Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, work suspension, #TisoyPH, House of Representatives, pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, rainfall advisory\], Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, work suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.