LOOK: SM Mall sa Legazpi napinsala din ng Typhoon Tisoy

By Dona Dominguez-Cargullo December 03, 2019 - 07:13 AM SHARE(S):

Napinsala din ng Typhoon Tisoy ang SM Mall sa Legazpi City sa Albay.

Sa mga larawang ibinahagi ng netizen na si Allan Castro, makikitang nawasak ang itaas na bahagi ng pader ng mall.

Ito ay bunsod ng naranasang napakalakas na hangin sa Legazpi City dahil sa bagyong Tisoy.

Kita ring may mga yerong nagbagsakan sa palibot ng mall.

Sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, inilarawan nitong ‘violent winds’ at ‘intense rainfall’ ang hatid ng eyewall ng bagyo sa Camarines Norte, Camarine Sur, Albay at Masbate.

TAGS: #TisoyPH, Magat dam PH News, pagasa, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, rainfall advisory\], SM Legazpi City, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, #TisoyPH, Magat dam PH News, pagasa, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, rainfall advisory\], SM Legazpi City, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.