Bus nahulog sa frozen river sa Siberia, 19 ang patay

By Dona Dominguez-Cargullo December 03, 2019 - 06:40 AM SHARE(S):
(Russia Emergency Situations Ministry press service via AP)

Patay ang 19 na sakay ng isang pampasaherong bus matapos itong mahulog sa frozen river sa Siberia.

Nangyari ang aksidente habang tumatawid ng tulay ang bus sa bahagi ng Kuenga river sa eastern Siberia region na Zabaikalsky.

Galing ng Sretensk ang bus at patungo ng Chita sakay ang 40 mga pasahero.

Maliban sa 19 na nasawi, 21 pa ang nasugatan.

Kabilang sa nasawi ang dalawang bata.

Patuloy pa ang imbestigasyon kung bakit nahulog sa tulay ang bus.

TAGS: 19 people dead, bus accident, Kuenga river, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, siberia, Tagalog breaking news, tagalog news website, 19 people dead, bus accident, Kuenga river, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, siberia, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.