Red warning level nakataas sa maraming lalawigan dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan na dulot ng Typhoon Tisoy
Tuluy-tuloy at malakas na buhos ng ulan ang nararanasan ngayon sa maraming lalawigan sa Bicol Region at MIMAROPA.
Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA, alas 5:41 ng umaga ng Martes (Dec. 3) red warning level na ang nakataas sa nasabing lalawigan.
Alas 6:00 naman ng umaga sinabi ng PAGASA na red warning level na rin ang nakataas sa Albay, Camarines Sur, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Burias Island.
Babala ng PAGASA, maaring magkaroon na ng severe flooding sa nabanggit na mga lalawigan lalo na sa mga mabababang lugar.
Maari ding makaranas ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone areas.
Orange warning level naman ang nakataas sa Sorsogon, Catanduanes, Masbate kabilang ang Ticao Islands.
Habang yellow warning level sa Northern Samar.
Pinapayuhan ang publiko na maging alerto at patuloy na i-monitor ang lagay ng panahon sa kanilang lugar.
Pinakikilos din ang local disaster risk reduction and management offices sa epekto ng patuloy na malakas na buhos ng ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.