Bagong pinuno ng PCG nanumpa na

Melad2
PCG photo

Pormal nang nanumpa bilang bagong Commandant ng Philippine Coast Guard (PCG) si Rear Admiral William Melad makaraang lagdaan ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang appointment paper.

Si Melad na miyembro ng Philippine Military Academy Matikas Class of 1983 ay nanumpa ng kanyang permanenteng posisyon bilang pinuno ng PCG kay Department of Transportation and Communications (DOTC) Sec. Joseph Emilio Abaya.

Bago ang kanyang appointment bilang officer-in-charge ng PCG, si Melad ang pinuno ng Coast Guard District sa Central Visayas.

Nagtapos ang bagong pinuno ng Philippine Coast Guard ng Master of Science in Maritime Safety Administration sa World Maritime University sa Sweden.

Pinalitan ni Melad si Vice Admiral Rodolfo Isorena na nagretiro noong October 2015.

Isa sa tututukan ng bagong pinuno ng Tanod Baybayin ng Pilipinas ang pagpapalakas ng ating Maritime control lalo na sa paligid ng mga pinag-aagawang mga isla sa West Philippine Sea.

Read more...