Gazini Ganados pwede nang iboto para makapasok agad sa Miss Universe Top 20

By Rhommel Balasbas December 03, 2019 - 05:57 AM SHARE(S):

Binuksan na ang online voting para sa Miss Universe 2019, araw ng Lunes.

Dahil dito, maaari nang maiboto ang pambato ng bansa na si Gazini Ganados.

Ang mananalo sa online voting ay sigurado nang pasok sa Top 20 ng pageant.

Sa website ng Miss Universe nagaganap ang online voting kung saan dapat i-click ang star sa harap ng pangalan ng bawat kandidata.

Maaari ring magsagawa ng multiple votes ngunit ito ay may kaakibat na bayad.

Magsasara ang botohan sa December 6.

Target ni Ganados na makuha ang back-to-back Miss Universe title na isang beses pa lamang nagagawa sa kasaysayan ng pageant sa pamamagitan ng Venezuela noong 2009.

Kung sakaling tanghaling Miss Universe ito na rin ang ikalimang korona ng bansa.

TAGS: Gazini Ganados, miss universe, online voting, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Gazini Ganados, miss universe, online voting, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.