Bagyong #TisoyPH bahagyang humina, nasa ibabaw na ng Burias Island

Bahagyang humina ang Bagyong Tisoy matapos mag-landfall, at ngayon ay nasa ibabaw na ito ng Burias Island.

Ayon sa 5am severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng San Pascual, Masbate (Burias Island).

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 235 km kada oras.

Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 20 km kada oras.

Ang ‘eyewall’ ng bagyo ay kasalukuyang nagdadala ng ‘violent winds’ at ‘intense rainfall’ sa Camarines Norte, Camarine Sur, Albay at Masbate.

Inaasahan makaaapekto na rin ang eyewall sa Southern Quezon, Romblon, at Marinduque sa susunod na tatlong oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 3 sa:
Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Camarines Norte, Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands, Romblon, southern portion ng Quezon (Perez, Alabat, Quezon, Mauban, Sampaloc, Lucban, Tayabas, Pagbilao, Lucena, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Plaridel, Unisan, Pitogo, Gumaca, Lopez, Macalelon, General Luna, Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, Mulanay, San Narciso, San Francisco, San Andres), Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island, Batangas, Cavite, at Laguna.

TCWS no. 2 naman sa:
Metro Manila, Bulacan, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, southern Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis, Dingalan), Rizal, nalalabing bahagi ng Quezon kasama ang Polillo Islands, Calamian Islands (Coron, Busuanga, Culion, Linapacan), Cuyo Islands (Cuyo, Magsaysay, Agutaya), Zambales, at Pangasinan, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Aklan, Capiz, Antique, Iloilo, Guimaras, northern portion ng Negros Occidental (Talisay, Calatrava, Silay, Enrique B. Magalona, Victorias, Manapla, Cadiz, Sagay, Escalante, Toboso, Bacolod, Murcia, Salvador Benedicto, San Carlos, Bago, Pulupandan, Valladolid, La Carlota, San Enrique, Pontevedra, La Castellana, Moises Padilla), Northern Cebu (Daanbantayan, Bantayan, Madridejos, Santa Fe, Medellin, Bogo City, San Remigio, Tabogon, Tabuelan, Tuburan, Carmen Borbon, Sogod, Catmon, Asturias, at Camotes Islands), at Leyte

TCWS no. 1 sa:
Southern Isabela (Palanan, Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Luna, Aurora, Cabatuan, San Mateo, Cauayan City, Alicia, Angadanan, Ramon, San Isidro, Echague, Cordon, Santiago City, Jones at San Agustin), Mountain Province, Ifugao, Benguet, Nueva Vizcaya, Ilocos Sur, La Union, Quirino, nalalabing bahagi ng Aurora, northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, Dumaran, San Vicente, Roxas) nalalabing bahagi ng Negros Occidental, Negros Oriental, Bohol, Siquijor, nalalabing bahagi ng Cebu, at Southern Leyte.

Ngayong umaga hanggang hapon, madalas hanggang tuloy-tuloy na malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Bicol Region, Romblon, Marinduque, Mindoro Provinces, CALABARZON, Metro Manila, Bataan, Pampanga at Bulacan.

Paminsan-minsan hanggang madalas na malakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Central Luzon.

May panaka-nakang malakas na pag-uulan din ang mararanasan sa Samar Provinces, Biliran, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras, at northern portions ng Negros Provinces at Cebu.

Nagbabala ang PAGASA ng posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Mayroong ding inaasahang storm surges na may taas na 2 hanggang 3 metro sa coastal area sa Batangas, Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon, Ticao at Burias Islands, at southern coast ng Southern Quezon; 1 hanggang 2metro sa Camarines Norte, northern coast ng Southern Quezon, Cavite, Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Bataan, at Zambales (Subic Bay coastal areas).

Read more...