Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas na ng pag-ulan sa susunod na mga oras sa Metro Manila at Rizal dahil sa Typhoon Tisoy.

Sa rainfal advisory ng PAGASA mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at Rizal.

Ganitong lagay ng panahon na rin ang nararanasan sa Quezon, Laguna, Batangas, Bataan at Cavite.

Pinapayuhan ang publiko na maging alerto at patuloy na imonitor ang lagay ng panahon at inilalabas na abiso ng PAGASA.

Read more...