Mayor Isko Moreno ipinag-utos ang preemptive evacuation sa coastal villages ng Maynila
Ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno Damagoso ang preemptive evacutation sa mga residenteng naninirahan malapit sa dagat bunsod ng banta ng Bagyong Tisoy.
Sa special coverage ng Manila LGU para sa bagyo hatinggabi ng Martes ipinag-utos ni Moreno ang pre-emptive evacuation sa mga sumusunod na lugar:
– Baseco
– Islang Puting Bato
– Aroma, (Brgy.105) Tondo, Maynila
– Happy Land, Tondo, Maynila
– Brgy. 101
Ayon kay Moreno, layon nitong mailigtas ang mga residente sa posibleng kapahamakan na dulot ng bagyo.
Posibleng magdala ng storm surges ang Bagyong Tisoy.
Agad na pinabuksan ng alkalde ang evacuation centers ng lungsod.
Samantala, kinansela na rin ng alkalde ang pasok sa local government maliban sa Social Welfare Development Office, Department of Public Service, mga ospital at City Engineering Office.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.