Catholic churches sa Bicol Region binuksan para sa evacuees

By Rhommel Balasbas December 03, 2019 - 03:17 AM

Bukas ang pintuan ng mga Katolikong Simbahan sa Bicol Region para sa mga lilikas bunsod ng pananalasa ng Bagyong Tisoy.

Ito ay matapos ipag-utos ni Legazpi Bishop Joel Baylon na gawing evacuation centers ang mga simbahan at pastoral halls.

Ang mga simbahan naman na malapit sa designated evacuation centers ay dapat ding buksan ang kanilang parish/public restrooms para sa mga lumikas.

“For those parishes near the designated evacuation centers, kindly offer your parish/public restrooms for the use of our brothers and sisters in the evacuation centers,” ani Baylon.

Pinatutulong ang mga parokya sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno at sa disaster risk reduction and management offices sa pagsiguro sa kaligtasan ng mga mamamayan.

Una nang naglabas ng ‘oratio imperata’ o ‘obligatory prayer’ si Baylon para mailigtas ang mga mamamayan mula sa pinsala ng bagyo.

Ang Bagyong Tisoy ay nag-landfall na sa Gubat, Sorsogon alas-11:00 ng gabi ng Lunes at nananalasa ngayon sa Bicol Region at Eastern Visayas.

TAGS: #TisoyPH, Catholic churches open for evacuees, Legazpi Bishop Joel Baylon, #TisoyPH, Catholic churches open for evacuees, Legazpi Bishop Joel Baylon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.