NDRRMC: 89,000 katao inilikas dahil sa Bagyong Tisoy
Isinailalim sa preemptive evacuation ang maraming pamilya sa apat na rehiyon bago tumama ang Bagyong Tisoy sa Sorsogon.
Batay sa huling situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 89,772 indibidwal o nasa 22,500 pamilya ang inilikas sa Region V, VIII, CALABARZON at MIMAROPA.
Ayon sa NDRRMC, pinakamarami ang inilikas sa Region V na umabot sa 83,709.
Sa Region VIII ay 5,820 ang evacuees, MIMAROPA, 109 at CALABARZON, 84.
Nag-landfall na alas-11:00 ng gabi ang Bagyong Tisoy sa Gubat, Sorsogon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.