Oil price hike epektibo na ngayong umaga

By Rhommel Balasbas December 03, 2019 - 03:13 AM SHARE(S):

May taas-presyo sa kanilang mga produkto ang mga oil companies simula alas-6:00 ngayong umaga.

Sa abiso ng lahat ng kumpanya ng langis, P0.65 kada litro ang dagdag sa presyo ng diesel at P0.30 kada litro sa gasolina.

Ang Shell, Caltex, Flying V at Petron ay may dagdag-presyo ding P0.50 sa kada litro ng kanilang kerosene o gaas.

Nauna nang nagpatupad ng taas-presyo ang Caltex kaninang alas-12:01 hatinggabi.

Bilang pakonswelo naman sa mga motorista, epektibo ang price hike ng Cleanfuel alas-12:01 pa ng hatinggabi ng Miyerkules (December 4).

TAGS: oil price hike, petroleum products, produktong petrolyo, oil price hike, petroleum products, produktong petrolyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.