State of Calamity idineklara sa Magallanes, Sorsogon dahil sa Bagyong #TisoyPH
Isinailalim na sa state of calamity ang Magallanes, Sorsogon dahil sa Bagyong Tisoy.
Ang deklarasyon ay ipinatupad bago pa man mag-landfall ang bagyo sa Gubat, Sorsogon alas-11:00 Lunes ng gabi.
Ayon kay Magallanes disaster mitigating officer-in-charge Nilda Conda, 1,153 pamilyta ang inilikas mula sa kanilang mga bahay sa 23 baranggay na delikado sa landslideds.
Ang 23 baranggay ay nauna nang sinabi ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na ‘vulnerable’ sa landslides.
Dahil sa deklarasyon ng state of calamity, agad na magagamit ng mga baranggay ang calamity funds na mayroon sila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.