Winasak na ng Bagyong Tisoy ang ilang bahagi ng Legazpi Airport matapos itong mag-landfall sa bahagi ng Sorsogon.
Kasalukuyang binabayo ng bagyo ang Bicol Region at Eastern Visayas.
Sa viral Facebook post ni Bravo Dos Quatro Diaz, makikita ang wasak na mga pader, kisame at basag na mga salamin sa passenger terminal building.
Sa isang radio interview, kinumpirma na rin ni Albay Governor Francis Al Bichara ang pagkawasak ng ilang bahagi ng paliparan.
Ayon kay Bichara, bibisitahin niya ang airport mamayang umaga kapag humina na ang hangin at ang ulan.
MOST READ
LATEST STORIES