M4.2 na lindol tumama sa Eastern Samar

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bahagi ng Eastern Samar alas-12:39 Lunes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 36 kilometro Timog-Kanluran ng bayan ng Guiuan.

May lalim ang pagyanig na 21 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity IV na pagyanig na Guiuan, Eastern Samar.

Habang naitala ang Instrumental Intensity II sa Borongan City, Eastern Samar at sa Palo, Leyte.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...