Red rainfall warning, nakataas sa Northern Samar
Patuloy na nakararanas na mabigat na buhos ng pag-ulan at malakas na hangin ang Bicol region.
Sa abiso ng PAGASA bandang 9:00 ng gabi, ito ay bunsod pa rin ng Typhoon “Tisoy.”
Nakataas sa red rainfall warning ang Northern Samar.
Orange rainfall warning naman ang nakataas sa Catanduanes at Sorsogon habang yellow rainfall warning naman sa Albay, Camarines Sur, Romblon at, Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands.
Ayon pa sa PAGASA, asahan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Camarines Norte, Oriental Mindoro at Marinduque sa susunod na isa hanggang tatlong oras.
Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.
Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.