Mayor Moreno, pinangunahan ang pagbubukas ng Paskuhan Festival sa UST

By Angellic Jordan December 02, 2019 - 07:40 PM SHARE(S):

“Ang saya saya!”

Ganito inilarawan ni Mayor Isko Moreno ang pagbubukas ng Paskuhan Festival sa University of Santo Tomas (UST), Lunes ng gabi.

Pinangunahan ni Moreno ang pagbubukas ng taunang festival sa nasabing unibersidad.

Sa ibinahaging video ng Manila Public Information Office (PIO), binati ng alkalde ang buong pamunuan ng UST at mga organizer ng festival.

Nagpasalamat din si Moreno sa UST dahil sa pakikiisa sa adhikain ng pamahalaang lokal na muling buhayin at pasiglahin ang Maynila.

Kasunod nito, umaasa aniya siya na magpapatuloy pa ang pakikipag-ugnayan ng mga institusyon at korporasyon sa pamahalaang lokal para maghatid ng magandang serbisyo sa mga ManileƱo.

Ito ang unang beses na dumalo si Moreno sa Paskuhan Festival.

TAGS: Mayor Isko Moreno, Paskuhan Festival, Paskuhan Festival 2019, UST, Mayor Isko Moreno, Paskuhan Festival, Paskuhan Festival 2019, UST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.