Foreign tourist arrivals sa bansa, umabot sa 6M

Tinatayang nasa higit anim na milyon ang bilang ng foreign tourist arrival sa bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni Tourism Undersecretary Benito Bengzon na umabot sa 6.16 milyon ang mga dayuhang bumisita sa bansa sa unang siyam na buwan ng taong 2019.

Mas mataas ito ng 14.37 porsyento kumpara sa naitalang foreign tourist arrivals noong 2018.

Umabot lamang sa 4.95 milyon ang bumisitang dayuhan sa noong nakaraang taon.

Dahil dito, sinabi ni Bengzon na posibleng maabot ang target ng pamahalaan na 8.2 milyong foreign tourist arrivals sa 2019.

Read more...