Mayor Sara Duterte, tama sa pagbatikos na hindi sumasalamin sa kabuuan ng Pilipinas ang kantang “Manila” sa SEAG opening
Nakahanap ng kakampi si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagbatikos na hindi akma ang kantang “Manila” ng Hotdog na ginamit ng delegasyon ng Pilipinas sa opening ceremony ng 30th Southeast Asian (SEA) Games sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi naman kasi sumasalamin ang kantang “Manila” sa kabuuan ng Pilipinas kundi ito ay kabisera lamang.
Sa ngayon kasi aniya, walang kanta na kumakatawan para sa Luzon, Visayas at Mindanao.
“Perhaps because of the title “Manila” itself, then she would be right it does not represent the entire Philippines. But it seems that “Manila” was used because that is the most popular song in relation to the Filipinos. But Sara, the mayor, is right. We have to have a song that will reflect not only Manila but the entire Philippines – Luzon, Visayas, and Mindanao. Wala pa eh! Kaya ‘yung mga songwriters are being alerted including myself,” pahayag ni Panelo.
Una nang sinabi ni Mayor Duterte na dapat na inclusive ang ginamit na kanta para mahikayat ang taong bayan na mag-cheer sa mga atletang Filipino.
Pero ayon kay Panelo, nagustuhan din naman ng mga nanood sa Philippine Arena ang kantang “Manila.”
Katunayan, sinabi ni Panelo na nakikanta at nakisayaw pa ang mga nanood maging siya at si Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.