Bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan, umabot na sa higit 6,000

By Angellic Jordan December 02, 2019 - 05:00 PM

Nadagdagan pa ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan sa bansa.

Ito ay dahil pa rin sa masamang lagay ng panahon dulot ng Typhoon “Tisoy.”

Sa huling tala ng Philippine Coast Guard (PCG) hanggang 12:00 ng tanghali, nasa kabuuang 6,070 ang stranded passengers sa mga pantalan sa Southern Tagalog, Western Visayas, Bicol, Eastern Visayas at Southern Visayas.

Maliban dito, pansamantalang sinuspinde ang biyahe ng ilang sasakyang-pandagat dahil sa masunit na panahon.

Kabilang dito ang 1,290 rolling cargoes, 81 vessels at 24 motorbancas.

Pansamantalang inihinto rin ang 229 vessels at 81 motorbancas.

Tiniyak naman ng PCG ang istriktong implementasyon ng guidelines sa pagbiyahe ng mga sasakyang-pandagat para masiguro ang kaligtasan tuwing masama ang panahon.

TAGS: #TisoyPH, Bagyong "Tisoy", PCG, stranded passengers, Typhoon "Tisoy", #TisoyPH, Bagyong "Tisoy", PCG, stranded passengers, Typhoon "Tisoy"

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.