Mayor Moreno, pinaaalerto ang emergency operation centers kasunod ng Typhoon #TisoyPH

By Angellic Jordan December 02, 2019 - 04:05 PM

Ipinag-utos ni Mayor Isko Moreno ang pag-alerto ng emergency operation centers sa Lungsod ng Maynila.

Ito ay kasunod ng inaasahang pagnanalasa ng Typhoon “Tisoy.”

Kasunod nito, naglabas ng report ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) na handa na ang rescue centers sa Baseco at Delpan.

Nagpakalat din ang MDRRMO ng amphibian, 4×4 rescue trucks, rubber boat, aluminum boat, at barracuda boats para umasiste sa publiko sa panahon ng pananalasa ng bagyo.

Inalerto na rin ang mga rescue personnel para rumesponde sa emergency situations.

TAGS: #TisoyPH, Bagyong "Tisoy", Maynila, Mayor Isko Moreno, MDRRMO, Typhoon "Tisoy", #TisoyPH, Bagyong "Tisoy", Maynila, Mayor Isko Moreno, MDRRMO, Typhoon "Tisoy"

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.