Pangulong Duterte, takot na magkalat si VP Robredo bilang ICAD co-chair
Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na natatakot siyang madagdagan pa ang pagkakalat ni Vice President Leni Robredo bilang co-chairman ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD) kung kaya agad na niyang sinibak ito sa pwuesto.
Ayon sa pangulo, habang tumatagal ang pananatili ni Robredo sa ICAD, lalo itong lumilikha ng iba’t ibang isyu dahilan para mag-away away at magkagulo ang mga tao.
Ayon sa pangulo, natatakot siyang malito na ang taong bayan kung alin ang totoo o hindi kaugnay sa kampanya kontra sa ilegal na droga.
Dagdag ng pangulo, wala kasing alam si Robredo kung kaya magkakalat lamang ito.
“There was a time when I said, Leni Robredo, you cannot hack it. Kaya ako takot. The more that she stays with the ICAD, the more that she would create issues and the more that the people will be, well, in a quandary kung ano ba totoo dito. Ang kinatakutan ko, kasi wala talaga siyang alam,” ani Duterte.
Kung mayroon man aniyang kanta na naangkop kay Robredo, ito ay ang “tinimbang ka ngunit kulang.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.