Ayon kay Yap, kailangang magpataw ng mas mahigpit na parusa para sa mga nagsisimula at nagpapakalat ng fake news.
Sinabi nito na sa halip na makatulong ay posibleng makaapekto sa turismo ang pagkakalat ng fake news.
Kailangan rin anya na tugisin ng gobyerno ang mga nagsimula ng fake news at nagpakalat nito.
Pinasasampahan din niya ng economic sabotage ang mga nasa likod ng pekeng balita dahil nakaapekto ito sa kabuhayan ng ilang mga kababayan na umaasa sa pagdagsa ng mga turista sa 30th SEA Games.
Ang hakbang ng mambabatas ay kasunod ng pagkalat ng pekeng balita sa social media na nakasira noong una sa imahe ng bansa sa 30th SEA Games.