Pagpapataw ng mabigat na parusa sa nagpapakalat ng fake news, nais isulong ni Rep. Yap

By Erwin Aguilon December 02, 2019 - 03:51 PM

Nais ni ACT-CIS Rep. Eric Go Yap na pag-aralan ang pagsusulong ng panukala para patawan ng mas mabigat na parusa sa mga nagpapakalat ng fake news.

Ayon kay Yap, kailangang magpataw ng mas mahigpit na parusa para sa mga nagsisimula at nagpapakalat ng fake news.

Sinabi nito na sa halip na makatulong ay posibleng makaapekto sa turismo ang pagkakalat ng fake news.

Kailangan rin anya na tugisin ng gobyerno ang mga nagsimula ng fake news at nagpakalat nito.

Pinasasampahan din niya ng economic sabotage ang mga nasa likod ng pekeng balita dahil nakaapekto ito sa kabuhayan ng ilang mga kababayan na umaasa sa pagdagsa ng mga turista sa 30th SEA Games.

Ang hakbang ng mambabatas ay kasunod ng pagkalat ng pekeng balita sa social media na nakasira noong una sa imahe ng bansa sa 30th SEA Games.

TAGS: 30th SEA Games, ACT-CIS, fake news, Rep. Eric Go Yap, 30th SEA Games, ACT-CIS, fake news, Rep. Eric Go Yap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.